Mahirap talagang malagay sa isang sitwasyon kung san wala kang ibang dapat gawin kundi ang kumumporme. Lalo namang mahirap pag meron kang dapat gawin o tugunan na hindi mo naman gustong gawin. Well, mahirap ring magpaliguy-ligoy lalong lalo na sa entryng ‘to. Tsuriiii na, di ko kasi alam kung pa’no simulan..
17,000 Php. , in cold cash.
Malaki bang halaga? Oo. Malaki. Pero kung hahatiin mo yan sa 30 katao eh hindi naman NA masyado. 17, 000 dibaydibay (divided by) 30? Ilan? Errr..mahina talaga ako sa math. Ayun..nasa kulang-kulang 566.666666666666. oo. Obyus na gumamit ako ng calculator. At di kulang-kulang kasi sakto na yun.
566.6666666 Php, in cold cash.
Malaki pa ba? Kung ako ang tatanungin. Aba’y, OO. Dalawang Fita Biscuit=OO. Marami ng pwedeng mabili dun! Ilang pasok na yun sa sinehan! Uggghh. So ano ba ang gusto kong ipahiwatig? Howell, nakakaiyak kasing maglabas ng 566.666666666 pesosesoses lalo na pag hindi naman bukal sa kalooban mo at lalung-lalo na pag alam mong di ka naman dapat maglabas ng ganung halaga.
….Digs? Haha. Eto na nga kasi ang bottomline: Nakabasag kasi kami ng laptop. Laptop. Oo. …ng faculty namin.
Eh hindi naman talaga kasalanan ng klase namen yun. Tangena kasing laptop yan, biglang tumatalon. Problema nya??! Ang kwento kasi, eh basically, may isang laptop ang bawat room . Bago maganap ang pagtalon ng laptop, eh yung English prof. namen ang huling gumamit nun, eh sa podium nya nilagay. Pagkatapos ng lesson (ppt) eh hinayaan lang namen na naka-sitting pretty sa podium yung laptop. Next na klase nun eh history. Habang naghihintay kami sa next prof., at habang nagiingay, nagkukwentuhan, naguumbagan, nagsasakalan, naghaharutan kami, eh may narinig kaming “BLAGAG!” Tumahimik ang buong klase. At lahat ay napatingin sa direksyon ng podium. Nakiramdam muna, nagkatinginan at sabay-sabay naming nasambit..”YUUUUNG LAAAPTAAAP!!!”.
Tumayo ang ilan samin para saklolohan ang laptop. As if masasalba pa nila yun. Tinignan pa kung madadala pa sa mouth-to-USBport resuscitation. Pero its too late. Basag ang laptop. Warak warak ang LCD. Ohwhatdapackinghell. Nagpanic kaming lahat. Syempre, sa oras katulad nun, eh lalabas talaga ang mga tunay na pagkatao ng mga kaklase ko. Yung iba eh nagsabing itiklop na yun at dali-daling ibalik sa control room. Wag raw ipagsasabi na nabasag. Mga kumag. Yung iba naman eh gusto nang umuwi. Haha. Mga gunggong. At yung mga katulad kong magigiting, eh nagpasyang sabihin sa adviser. Putragis. Malaman-laman ko lang na mabubutas pala ang bulsa ko eh sana nakiisa na lang ako sa mga kumag at gunggong. Hohoho.
So mabalik tayo sa 566.6666666
Malas na number amputragis. Kung tutuusin, mababayaran naman yang 566.66666. Pero masakit talaga. Syempre sa oras na ‘to eh sangkatutak ang projects naming at papers. Survey forms pa lang, lagas na ang pera pampaxerox. Anubanaman!!!!! Kaya ayoko talagang magbayad sa buiset na laptop na yan. Kasalanan nya naman yun eh. Taragis. Tatalon-talon syang mag-isa. Di man lang magsabi na ayaw na nya sa klase namen. Boo.. O pwede rin naming yung English prof. naming kasi sa tingin naming eh hindi maayos ang pagkakapatong nya ng laptop sa podium kaya nagdamdam at tumalon.
Ngunit Subalit Datapwat,…nasa ust AB ang huling pasya. At ang verdict: kami ang magshoshoulder. Anak naaaang. At hindi irerelease ang clearance namen hangga’t di nababayaran ng section naming ang buong 17 K. Ohmay. Sabagay, ano ba naman ang 566.66666? Karamihan nga samen eh humihingi ng 1K na ang dinadahilan eh pambili ng readings. Sabi nga ng presidente namen, para-paraan na lang, basta magbayad kami. Howell, what else can we do?..
Ano pa ba? Wala na. Nashare ko lang. Nakakainis kasi eh. Ansarap pumatay ng laptop. Yung ACER. Hahaha.
1 Comment(s)
Comments RSS TrackBack Identifier URI
Leave a comment
Matino pero lageng makulit..medyo mapanlait pero so mabait.. In short, Topakin.



hahaha anak ng jueteng…. natawa ako sa post mo ah… bigla nawala antok ko… naku sayang yung pera…. lalo pa ngayon na may bagyo at madaming nasalanta…. pero syempre wala tayong magagawa….