dahil naman isa akong estudyante na ang pinagaaralan eh ang magulong mundo ng politika shitnitz..eh siguro naman pwede ako magreact sa mga nangyayare sa pinas ngayon. Wala lang, para naman maiba. Saka nitamaan ako nung sinabi ng pogi at crush na crush kong prof. na “Ano ba yan, make your blogs and homepages a meaningful one. Di yung puro pictures at puro kalokohan..” Ansakit talaga. hahaha. ngayon, eto ser..kala mo ha.
Pooft. Onga naman. May point sya dun. Love ko kasi sya. Hahaha. ngerks.
Kung nandito kayo right now, nako. Mauumay kayo sa mga balita. Alam nyo ba na si Erap eh may plano pang tumakbo? Pero actually, tumakbo na sya eh..sa commercial na Arthro nga lang. Nakakagago nga mukha nya dun eh. Hahaha. Pero kidding aside, mahn? si erap? watdahel. 99.9 percent sure??Samtings wrong with them peoples. Pinag-uusapan nga namin yan ng mga classmate ko. Di ba ang laking kalokohan sa kampo ni erap? I mean, ikaw na nga yung binigyan ng pardon tapos lalabag ka na naman sa patakaran? Saka, yung sa isa-isa nang nagaatrasan yung mga presidentiables sa oposisyon to give way kay Noynoy Aquino, na sa tingin ko eh may mali ren, e magmamatigas pa syang tatakbo sya.. So yun nga diba, umatras na si Mr. Padyak in the name of Mar Roxas at yung (ayon sa friend ko) si dalmatian daw na si Ed Panlilio sa presidential race. So ano pang tinatayo tayo ni Erap? Sa tingin ko nga eh siya ang marapat manguna dahil susko day naman, siya nga yung parang “head” ng opposition. Saka, give way naman sa mga mas bata dude. nuff said.
Kay Mar Roxas naman, sayang yung “infomercials” (campaign ads) men! hahaha. Sayang talaga. yung emote, yung sad face, yung sympathetic setting, yung arte..nawala sa eksena. Tsk tsk.. Ngunit, ayos den. At least yung kasal na lang nila ng bebs nyang si Korina ang iintindihin nya. Ancheesy! Pero seryoso, mahirap na desisyon na bitawan ang ambisyong maging presidente. Parang tinanggap nya na mas mapogi points si Noynoy kesa sa kanya. *sad face*. Vice president na lang ano?
Kay Noynoy naman, hindi ba masyadong hilaw? parang dahil lang nasa “state of flux” ang “yellow magic” eh sya na ba talaga ang sagot sa problema? Ewan ko. Alam ko namang may ibubuga si Mr. Aquino III pero..parang may mali eh. Ika nga ng isang senador, “Presidency is earned, not inherited..” Eh kaya nga pala tatakbo si Noynoy para ma-earn nya yung presidency. Pero di eh..may mali talaga. Hanggulo. Siguro nga eh may lamang si Noynoy dahil keri nyang gumawa ng epektibong “nation building” dahil na rin sa greatness ng mga parents nya. Pwede na ren. Sige na nga,…Whatever.
Kung may nakakaaliw man, eh si Bayani Fernando. And when I said nakakaaliw, I meant nakakaaliw! hahaha. Tumirada na sa infomercial (na again, ay campaign ad underneath) at song and dance ang pakulo ng lolo nyong mahilig sa pink! Spell A-L-I-W talaga. Saka, wala ba kayong nakikitang mali pag sasagot sa interview si BF? o kaya pag pakikinggan ang mga sinasabi nya sa mga speech, parang mapapatanong ka..”Ha? talaga? may ganun? err..tama ba yun?” o kaya “Shet..where the hell did this man got his answer?” Naobserbahan ko na yan, sa personal at sa TV. Pag sasagot sya sa question, Kitang-kita ang pagkunot ng noo at pagtaas ng kilay ng press at tv reporters. Sumagot ba naman sya ng “Yes, I am above the law!! *evil laugh inserted here*” Oh di ba..dinaig si Marcos ampupu.
Bahala na silang tumakbo..para tuloy di ko feel bumoto. Sayang yung indelible ink.
—–
Maiba tayo..may movie na raw si Yaya at Angelina ah. Waw. Exciiiitiiinnnggg..
Minsan..mas okay pang pag-usapan ang ibang bagay kesa sa politika. Bakit kaya yun ang napili kong pagaralan? Buiset! naa-identity crisis ba??
..sa huli. kalokohan pa rin talaga ang mas enjoy iblog. Sensya na ser.
(lahat ng nabanggit sa itaas eh opinyon ko lang. walang durugan ng trip.)
2 Comments
Comments RSS TrackBack Identifier URI
Leave a comment
Matino pero lageng makulit..medyo mapanlait pero so mabait.. In short, Topakin.



kakatawa nga e, nung anjan pako sa pinas, di ako nanonood ng news, ngayon, araw-araw e nakikibalita ako sa wild wild world of philippine politics…
sa mundo ng pulitika, ‘di na uso ang qualified at hindi…tingnan mo naman ang nakaupo ngayon? qualified diba? e puro qualified “THEFT” naman ang ginagawa…
enuff sed…>YUN LANG PO<
onga kuya eh. badtrip ba? hahaha.