Best Crammer.
Pwede bang ideclare ko ang aking sarili sa title na yan? Di na naman siguro kelangan ng isang boxing match o thumbwrestling match diba? O kung meron ng may nagmamay-ari, pwedeng panext? Basta ha…..
Confident ba ko masyado? Nako, syempre naman. I know thyself. And for me, I rock!!…..in cramming.
—-
Bago magpasukan, bumuo ako ng isang resolusyon. Hindi new year’s resolution dahil hindi naman new year. Acheche. Isang klase ng resolution kung saan pinromise ko sa sarili ko na mageefort na ko to the highest level sa pag-aaral. Yung “MAS” sa mga nakaraan kong performance. Ganun dapat. Ang mga nakalagay pa nga dun eh, papasok na ko palagi ng maaga at never ng malelate, Lagi na ‘kong magdadala ng pad paper at di na mangbuburaot, magrereview na ko a week before the exam para loaded sa kaalaman at GAGAWA NA KO NG ASSIGNMENT,PROJECT,PAPER etc AHEAD OF TIME; never na ‘kong magcacram dahil nakakalason sa utak. Ayun..Aim high ba? oo. Aim high talaga. Ambisyosa much ang drama ko nun. At alam kong kahit di nyo tanungin, alam nyo na kung natupad ba ang mga yan o hinde. Natupad ba?? Hinde?? grabe ka naman! yung iba naman dyan natupad no! anchama muuu..*pacute*. Natupad dyan yung di na ko malelate..kasi umaabsent na lang ako. Hehehe. Joke yun. Medyo.
Moving on, Marami na kong naging experience na kung saan napatunayan ang aking cramming prowess. Astig, may nalalaman pa ‘kong prowess. Hahaha. Simula pa nung nasa high school ako hanggang ngayon, Ako’y crammer ever. Isang example na nagpapatunay ng aking outstanding cramming performance, Eh ilalahad ko na lang yung nangyare nung isang gabi kung saan binabago ko ang bihis ng blog na ‘to. Ang buong akala ng lola nyo eh wala nang keme sa mundo at pwede ko ng gawin ang gusto ko. Ngunit, tekawait, may PM..
classmate: Ui rojie! bukas na raw yung reaction paper sa ethics! Shet!
classmate: yung sa movie.. bukas na!
classmate: BUZZ!!!
Naramdaman kong huminto ang oras. Inarte mode. OMG!! putragis!! Ni di ko pa nga nasilayan ni opening credits ng sinasabing movie na yon tapos? magrereact ako? aryu inseyn!!??. Subalit, dahil ako’y isang alipin ng malupit na mundo, eh wala akong magagawa upang magreklamo at maghurumentado dahil unang-una..ako na lang ang di pa ata nakakagawa at yung classmate ko na nagPM. Hahaha. Apir!. Friends nga kaming maituturing.
Di na ‘ko nag abalang replyan pa yung PM. Agad-agad akong nagbukas ng panibagong window ng MS Word, tumingin sa oras (magtu-twelve na nun) at tinype ang title page. Ang problema ko na lang eh kung ano ang meron sa packinsheet na movie. So nakikita mo naman kung ga’no LANG kahirap ang problema diba? At dito lumabas ang aking mga kaibigan sa mga ganyang pagkakataon. Mga kaibigang ni kailanman eh di ako nagawang iwan. I would like to say thank you much to Google, Youtube, Yahoomovies, aswers.com at ang napaka-reliable ever na Wikipedia.. Hehehehe.. much much love to all of you. At ayun nga, nagsearch na lang ako tungkol sa movie gamit ang mga “friends” na aking nabanggit. Well, para lang naman malaman kk ang istorya ng palabas. Pero anlabo eh. No choice, barberuhan na lang.
Medyo mahirap at mahaba ang pinapagawa saming reaction at evaluation..Hindi nakakaaya gawin. Boohoo. Pero type na lang ako ng type ng kahit anong pumasok sa isip ko. Basta kung anong pagkakaintindi ko, ayun ang kinatwiran ko. Ayun na. Feeling ko nga eh parang nagtatype lang ako sa blog. Kulang na lang eh lagyan ko ng mga “hahahaha. somethang like that..”, “Boohoo..”, “Whatdapackinghell!!” at kung anek anek na sidecomments. For the record lang. hehehe. Kaso, ethics paper yun eh. Kaya wag na lang. Taena.
Mga aala-una na at desperado na ‘kong tapusin ang pinagagagawa ko kaya ang ginawa ko eh natulog na lang ako. Hahahhaa. Wooo. Sinabi ko na lang sa sarili ko na mamaya na lang..onti na lang naman eh. O diba? Crammer mentality yan dudes. Makalipas ang ilang oras na tulog, ayun..nakita ko na naman ang sarili ko na nag-Crammer POWER LEVEL UP. Oo. may ganun. Pag Ph. D in cramming ka, may ganung concept. Hahaha.
Pagdating ko sa school..thirty minutes na lang ang natitira sa unang subject. Ayos lang. At least may paper!! O’ha. Yan ang cramming. At ayon naman sa nakita kong pagkukumpara sa ibang gawa, eh medyo angat ang cramming masterpiece ko! Bongga! Pwede ko rin palang kunin ang Barbero Award or at least, Barbera-of-the-day.
–
Kung iaassess, 51 percent ng paperworks ko eh bunga ng cramming. And indeed, I’m a crammer specialist. Di pa naman ako pumapalya eh! hehehe.. Ayos yan. Inaasahan ko ang isang “Keep up the good work”. Echosss..
——
….hmp.
..oo na. Alam kong di dapat ipagmalaki yun. Pero pwede ren..pero di na nga! kalimutan na ‘to! Next time talaga..di na!!
3 Comments
Comments RSS TrackBack Identifier URI
Leave a comment
Matino pero lageng makulit..medyo mapanlait pero so mabait.. In short, Topakin.



HAHAHAHAHAHAHA.
yehes naman. pareho pala tayo, crammer.
pota, pwede na tayong gumawa ng sorority shitkrap and all.
ikaw president, ako bays.
magulat ka kapag nakaperpek ka sa reaction paper mo. haha.
eto sabihin ko sa inyo, keep CRAMMING…u know, we can look at cramming in another perspective – - – if you become good at it, you can apply it at work..errr beating deadlines, working under pressure, etc…I-JUSTIFY ba? of course…
oo. tama. hahaha. magaling na working style. pero nakakabaliw. pero..ayos nga. pero..hahaha. I’m going full circle. thanks sa comment.