Masaya kang naglalakad with a smile on your face sa isang mall. O di kaya sa kahit saang lugar na maiisip mong tambayan. Mag-isa ka lang at nagmumuni-muni sa paligid, inaappreciate ang ganda ng buhay at ng mundo…Sa pagpihit mo sa kabilang direksyon, may kung anong nilalang ang humarang sa’yo sabay nagsabi..
“Ate..pwede ka bang iapproach kahit 2 minutes lang? pleaaasseee???“
whatdahell. Panira sa eksena at sa pageemote.
—–
Naka-encounter na ba kayo ng ganyan?? Ako? Ilang beses na. Kahit saan, makakadale ka ng mga taong bigla na lang lalapit sa’yo at sasabihin ang makabag-damdaming linyang yan.
Ops. Don’t get me wrongs dudes. Di yan yung tipong nagaalok ng “kakaibang” produkto.. Pakishutdown na muna ang green mode sa sistema. Ha? Ahkei. Tenks.
—–
Ang ibig sabihin ko dyan eh yung mga teenager na di nalalayo sa edad ko na bigla na lang lalapit upang ipahayag ang kanilang napakagandang adhikain. Yes. Whatta word. At pag tinanong ka nila ng tanong na nabanggit sa taas, walang kaabog-abog na magdadadakdak na lang sila agad para di ka na makabanat pa. Yes. It’s a rhetoric question my friend. Whatdapackinghellness talaga. Yung tipong tinanong ka nila, syempre sa side mo naman, nagulat ka ng bonggang bongga kasi bigla na lang silang lumitaw sa harap mo na parang tiyanak at pag nakuha mo ng hanapin sa utak mo ang sagot..sabay heeepp! time’s up! Let the bastardizing begin; kokornerin ka na nila at “iaaproach”
Then, ikukwento nila sa loob ng..er..20 seconds ang buhay nila which goes like this (which goes like this lang ha..) “Ate, ako po ay kabilang sa kongregasyon ng mga batang gala at ako po ay isang iskolar. Ngayon po, dahil nga po sa kahirapan ng aming life, you know, we make gala like this to ask for some help and everythin’ para po matuntunan ang aming tuition. Now, sa samahan po namin, kami po yung naginitiate and everathang na naglalayong matulungan ang bawat isa samin sa aming mga pangangailangan para sa aming kinabukasan..”
Oh yes..Parang infomercial lang ng mga presidential candidates. Take note, walang hingahan in between yan.
Tapos bigla nilang ilalabas ang kanilang main event. Isang 3-D picture daw watsoeber ng holy family o ng kahit anong religious icon. Pwede daw yung bookmark, wallet picture, pamalit sa picture ng syota, pang substitute sa LRt card, panangga sa mga aswang at pambayad sa jeep. Syempre, matutulala ka sa picture na nilabas nila. Naaliw aliw ka pa sa papalit-palit na picture pag ginalaw-galaw mo yun. Sasabihin nilang magdonate ka ng kahit magkano kapalit ang piktyur na ayon nga sa kanila ay maraming gamit. (refer to the past sentences..) Magsisimula silang magtransform bilang isang kawawang tuta na nagpuppy eyes pa amputragis at naguudyok na hanapin sa puso mo ang kagustuhan tumulong. At tila isang budol (from the name budol-budol gang), mapipilitan kang magbigay ng barya o pera na di lalagpas sa bente.
Pagkalabas mo ng bente mula sa iyong bulsa o pitaka, tititigan nila iyon sabay ibabaling ang kanilang mga mata sa mga mata mo..
TAPOS…
“Ate, fifty pesos po ‘tong picture (na napakauseful in everyday life)..”
Pagkatapos ng mga katagang yun..Ang huli mong gagawin eh kumunot ang noo, lukutin ang perang papel sa iyong mga palad sabay walk-out with pabulong na nagmumura.
—-
So, ano? naalala mo na? Naka-encounter ka na ng ganyan?
—–
Haysss..Di ko alam kung bakit may mga ganung pakulo. Malinaw na isang malaking kalokohan diba? Ang tangi talaga nilang pakay eh ang ganchohin ka dahil unang una, eh linalapitan nila ang mga taong nag-iisa o mag-isa. Tapos sasabihin nilang humihingi sila ng donation at may souvenir pa yung pagbigay mo ng donation. Tapos sa huli biglang may price???! Suckerbitch. Nakakagago amputrek. Okay na sana kung tatanggapin na lang nila yung binigay mo out of your benevolent heart eh no?
Dapat siguro pag may nangganyan ulet sakin eh magiging listo na ‘ko at magiging creative para barahin ang mga ganyan.
Ano pa ba? wala na. Eto na yun. Pasensya na sa magulong post…
Next time….
1 Comment(s)
Comments RSS TrackBack Identifier URI
Leave a comment
Matino pero lageng makulit..medyo mapanlait pero so mabait.. In short, Topakin.



haha. poteks, nekstaym unahan mo na ng “may presyo ba yan? kasi limang piso lang kaya kong ibigay eh. wala kasi akong pamasahe pauwi tsaka baka niloloko mo lang ako, joke lang yan e” … sabhin mo rne ng sunud sunod, walang hingahan parang yung ginawa nung lumapit sayo. haha.