Anong nangyare kagabi??
ayun. Nasa club filipino ang buong polsci department ng uste. May socialization. Akalain mo nga naman. Sabi kasi nila, pag polsci ka, patay na ang social life mo. Hahaha. Pero ayun kami, nag iinarte, nagmamaganda at nagmamagwapo with our black and white suits and dresses. Ayos.
Pagkatapos ng sleepless nights, tone-toneladang libro, pumutakteng mga research papers at think pieces, sugatang puso, nawalanghiyang hiya, nayurakan na ego at napilipit na utak ay may black and white ball pa kami. YEY!!
Kung tatanungin kung anong nangyari..eh ayun, ayos lang. Polsci nga raw talaga kami dahil unang una, sa location pa lang ng socia, pang-politiko na. Sabi daw kasi nila, laging pinagdadausan ng mga political events ang club filipino. Sa katunayan nga, historical place sya dahil dun nanumpa si cory aquino bilang presidente right after the end of martial law. O’ha. Sa wakas! may nailagay din ako sa blog ko na maayos ayos.. Hehehehe.
Saka, syempre, dami VIP’s na pumunta. At taragis yan, lahat sila ng speech. Di ordinaryong speech. Kundi SPEEEEECEEEEEEEEEEEEEEEEECH. ginutom kami ng mga very important people na yan. Sa bawat speech ng VIP, kung ano anong ginagawa namen. Nandyan yung picture-picture, kuwentuhan, kulitan, sakalan, jombagan, murahan, at maya-maya, humuhikab na kami. May nag-lecture pa ngang retired prof. eh! pwede kaming matulog muna tapos gumising na lang after nyang mag dadakdak dun.
Pero masaya naman sya. Matinde nung dinner na. Lamon na lamon na kami!! yung mga kasama ko sa table di pinaligtas pati yung huling patak ng soup, butil ng appetizer, sauce ng main course, fudge ng desert at yung liquid molecules ng beverage. Syimpre, ilang oras ba naman kaming naghintay na matapos yung mga walangyiang speeches na yan eh. Wala naman kaming naintindihan kundi ang pauli-ulit na words tulad ng “Political Science students.” at “University, Of, Santo, Tomas”. Slow mow pa magsalita yung mga kung sino man ang nagsalita sa mic. Shetness.
Nung huli, the real party begins. Sayawan na at eksenahan na sa dance floor.
..tapos uwian na!!
Yun lang. ‘pus na.
No Comments Yet
No comments yet.
Comments RSS TrackBack Identifier URI
Leave a comment
Matino pero lageng makulit..medyo mapanlait pero so mabait.. In short, Topakin.


