ant terminator.

Nakakainis ang mga langgam.

Ops, walang metaphor-metaphor dyan. Yung langgam na insekto talaga. Yung maliit, masakit mangagat at nakakaines, nakakabadtrip, buiset, peste.. Basta langgam. In any shapes, sizes at color.

Bakit ko naman nasabi?

Eh putragis yan.  Sa sala namin, may langgam. Sa kwarto, may langgam. Sa kabinet, may langgam. Sa kusina, lalong may langgam. At sa dining room, aba’y super duper ang kunpederasyon ng langgam. Parang bang may baseball game ang mga langgam na yan at ang bahay namin ang pinagtripang gawing arena. Pakshetnesses..

Well, sabi daw nila, pag summer daw dumadagsa ang langgam dahil time daw yun ng pag-iimpok nila ng pagkain. O’ha, san ko nakuha ang impormasyong yan?? ayun, sa langgam na tinorture ko..aba’y bago umamin kung bakit nila pinuputakte este nilalanggam ang bahay namin eh kinailangan ko munang isa-isahing tanggalin ang mga paa niya. Wahahaha. Sadista ata to. Esmyuskee naman sa mga animal advocates dyan. Langgam lang ‘to. Wag kayong OA. Saka, Joke lang naman yun. Natawa ba kayo? hahaha.

Nung una, ayos ayos pa sakin na nakiki-sama samin yang mga langgam na yan. Kaso, nung simulan na nilang tirahin ang bawat pagkain na ilalapag namin sa hapag-kainan, tiradurin ang mga nakalagay na platong may bahid pa ng food sa dishwashing area, butasin ang panty ko, at gumala-gala sa bahay na parang sa kanila yun, eh wala na, pikunan na. Kung baga sa joke time, below the belt na. Kelangan ng tapusin ang maliligayang araw. Hohoho.

Kung dati rati’y pwede pa kami mag-iwan ng food na may takip sa table, ngayon eh di na. Eh walang’ya. Kahit siguro asin eh titirahin ng mga kumag na langgam na yan eh. Tapos sa kwarto naman, aba’y feel na feel nilang mag-form ng mini-map of the world sa mga pader. Parang may geography lesson. Ha! ang kakapal! anong kala nila saken? di alam kung san ang Timbuktu? sa may bandang ano kaya yun..sa ano..err. basta. Offtopic na yun. wag na lang. Eto pa, minsan magugulat na lang kami kasi kahit sa mga appliances namin eh trip nilang tumambay. Ang kakapal talaga ng mga mukha! Grrrrr!!

Kaya ang sagot: Maglabas ng insecticide! wahahaha. Kung san may langgam, spray. Spray anywhere you want ang drama. At saka, aliw din. kitang kita mo na nagpapanic ang mga langgam. Sa kanila, gumuguho na ang mundo. trip ko ring baliin yung linya nila na parang guide nila pabalik sa lungga nila. Saka, pag sa cr, masaya silang paliguan. Para presko. Tapos unti-unti na silang aagusin papunta sa butas na nagaabsorb ng nagamit ng tubig. Saya saya!

Ayun. Sabi nila, kelangan daw nating gayahin ang mga langgam. Kasi mga hardworkers daw sila. Leche. Ako gagayahin ang mga langgam? asa naman. Marami namang ibang masisipag na hayup dyan tulad ng..err..anay? Basta ayun. Nabubwiset talaga ako sa mga langgam na yan. Pero sa ngayon naman. Eh nag li-lo sila. Pahinga muna siguro sa pangiines samen o kaya siguro sumakabilang bahay na sila. Ayos na din yun. Nasindak na sa aming mga kagamitang pandigma laban sa kanila. Hahaha.

Sa mga langgam, kung naiisipan niyong bumalik sa aming bahay o bumisita man lang. SUBUKAN NYO LANG! :|

haaaysss..

FIN.

2 Comments

  1. me natural way to get rid of those guyams. guyam tawa namin sa langgam dun sa timbuktu. hehehhe.

    me nakilala akong ilokano, yang mga guyam na yan, pwede din daw isangag. o di ba? lnaalis mo na yung mga pumuputakti sa bahay nyo, ibre tsibog na, nakatipid ka pa.

    nyahahhah!

  2. @kuya Buraot: po?? isangag?? hmm..err..pwede ren, kaso di ako ilokano eh! hehehehe. pero nabalitaan ko na yang pagluluto ng mga langgam or guyam..hehehehe. tipid nga sya lalo na’t nakakaranas tayo ng economic global recession. nakanaks.. konektado!!


Comments RSS TrackBack Identifier URI

Leave a comment