Kahit nasa state of Hiatus ako, eh kelangan kong i-blog ‘to!!! Kayo na bahala mag-isip kung anong event ‘to. Dahil nagmamadali ako, maraming demonyong humahabol saken at lahat sila pogi. at JOKE yun. Pinutakte na naman kami ng projects at term papers. Boohoo..
- Sino kasama ko? si Haroldee, si Jo, si Queenie, si Jey-Ar at si NekNek. Sa MOA Concert Grounds yun..Anlayo.
- Ang daming tao. Iba’t ibang klase. May cute, may Emo, may mabaho, may mukhang gate crasher at hindi kami yun. Hohoho.
- Nasa Silver part kami. 1,300 din yun. Half ng bayad saken. Hehehe. Buti na lang andyan si Roldee at Jo. Thanks.
- San ko nakuha yung pambayad ko? TAE. Alam kong alam nyo na wala akong pera at poor lang ako, pamumulubi lang ang ikunabubuhay ko. Hahaha. Eto na, sabi ko sa nanay ko may project..hehehe. Alam nyo na yun.
- I know it’s bad.
- Di kami masyadong excited. Maaga aga kaming dumating.
- Nung nag-countdown na. Shet. Kinailangan ng mga Mental Assistants dahil lahat eh napraning.
- Ang cute ni Ely. At bongga ang wardrobe ng lolo nyo. Maya’t-maya ay change attire sya. Lupet.
- Ang cute ng gitara ni Marcus Adoro, Hello Kitty ang design. Hahaha. Kung itatanong nyo kung cute si Kuya Marcus, uhmm..err..cute….yung gitara nya. Hahaha. Joke lang.
- Kahit silver na kami, malayo-layo pa rin. Pakshets, kaya tuloy nung naghagis ng jacket si papa Ely eh hindi kami naabutan. Wahahaha. Kung kasing lakas niya si Samson, Ayun, aabot yung jacket nya samen.
- Gurang na raw si Ely, ASA PA DAW AKO!!. Pakshet.
- At oo nga, medyo..err..medyo..malayo layo na ang edad ya saken, dahil nung bata pa ko, naririnig ko na ang kanta ng banda nya. At kabisado ko pa. Oha.
- Ang kulit ng boses ni Raymund Marasigan. As always.
- Parang nakawala sa Mental Asylum si Queenie ng Huling El Bimbo na. Dahil dun, inassume namen na di namen sya kasama for that moment. Lahat ng tao sa harapan namin eh napapalingon sa kanya.
- Masaya.
- Yun ang bottomline. at shortest line.
- Pero naging malungkot ng bingyang pugay ng banda ang master rapper. How sad
- Wala masyadong chance mag pic. Nabanatan namin sa Roldee dahil di nakacharge ang gigicam nya. Ayun, ilang pics lang ang meron. Sayang shet.
- Medyo napahaba na ang kwento ko, di ko talaga balak ielaborate nyan??.
- May isang adik na sumigaw ng “Wala bang magazeyn dyan?” . Adik sya. Magazeyn.
- Cute talaga si Ely eh. Yun yun eh. Lakas ng Appeal.
- Yung high school friend ko na si victor eh nandun den. Tinext ko sya, pero, wa reps. Carried away den ang loko.
- Pinutakte na ko ng phone calls galing sa nanay, lola at tito ko. Nung medyo late na. Hahaha. Ayun, Dedma.
- Ang sakit ng lalamunan ko. Sobra.
- At mukha pa rin akong nireyp. Lage na lang!
- Naalala ko mga Highschool friends ko. Out of the blue.
- Naalala ko ang mga di dapat maalala.
- Nagiging madrama na.
- Nakakalungkot na nung bandang huli, dahil the FINAL SET na nga yun. Huhuhu. “Awwwww” lahat kame….
- At yun na ang version ko.
- I’ll be back to my effin’ paper works.
- See you after finals.


:):):):):):):):):):):):)
No Comments Yet
No comments yet.
Comments RSS TrackBack Identifier URI
Leave a comment
Matino pero lageng makulit..medyo mapanlait pero so mabait.. In short, Topakin.


