Napanood ko lang ‘to..and somehow, it moved me.
Sabi nung babae sa lalaki na gumawa sila ng good and happy memories together.. Then biglang nagkwento ng isang story yung guy.
“The story started when there were two girls and they were best of friends. Nung mga gradeschooler pa lang sila, may nakita silang napakagandang artwork sa bulletin ng kanilang school..Nakaillustrate dun ang isang batang babae na nakatingin sa araw na papalubog na. Sobrang nagandahan sila sa picture kaya hindi nila ito malimutan. It was considered one of their good “memories”.
Nang magkita ulet ang matalik na magkaibigan, they were already in college. They reminisced all their gradeschool memories. Yung masasaya, malulungkot, nakakatawa at pati na rin yung nakakakilig. Then, biglang nasagi sa mga “good memories” nila ang painting na nakita nila nuon sa bulletin board. Nagkaroon sila ng pagtatalo dahil sa ang isa sa kanila ay iniinsist na pula ang suot na dress ng batang babae sa painting at yung isa naman ay sinasabing puti. Dahil sila ay talagang naguguluhan na, napagpasyahan nilang bumalik sa school nila nung elementary..
Both of them were excited na makita. Para kasing naging pustahan ang nangyari, if red ba o white ang suot ng batang babae sa painting. When they saw the painting.. They were stunned. Because the painting is not a painting after all at ang kulay ng suot na dress ng girl ay kulay itim. The “painting” was made by a charcoal pencil. Kaya imposibleng magkaroon yun ng kulay maliban sa itim. They were both shocked of how foolish their considered “good memory” was. Umuwi sila na malungkot pero kahit papano ay okay na rin dahil nalaman nila ang totoo.”
“Kaya para sakin, I don’t believe sa sinasabi nilang “good” memories. Dahil maaring masaktan ka lang dahil pwedeng ang good memories na iyon ay mabago rin sa isip mo at lalo kang masasaktan pag nalaman mong mali pala ang inaakala mo. Parang sa love, papanong magiging good memories ang meron kayo ng minahal mo kung nasaktan ka nya ng todo after those good moments? “
Sumagot yung babae..
“Ah..so hindi ka naniniwala sa good and happy memories na pwede nating mabuo..Eh ano ang pinaniniwalaan mo?”
The guy smiled..
“Edi yung nakikita ko ngayon……Ikaw.”
Ang gulo no? pero..okay na rin yun. Pwede na..
3 Comments
Comments RSS TrackBack Identifier URI
Leave a comment
Matino pero lageng makulit..medyo mapanlait pero so mabait.. In short, Topakin.



Anong napanood mo? kinwento ko muna sayo yun bago mo pinanuod :p
anyway, Sorry
shut up Sanjo. putragis. Ang kulet mo…I hate you!!!!
nyc..pnkafav qung romantic anime ean. <3