Summer..

Gusto kong tumaba.

Ayun lang.

Comments (5) »

napadaan.

Anong nangyare kagabi??

ayun. Nasa club filipino ang buong polsci department ng uste. May socialization. Akalain mo nga naman. Sabi kasi nila, pag polsci ka, patay na ang social life mo. Hahaha. Pero ayun kami, nag iinarte, nagmamaganda at nagmamagwapo with our black and white suits and dresses. Ayos.

Pagkatapos ng sleepless nights, tone-toneladang libro, pumutakteng mga research papers at think pieces, sugatang puso, nawalanghiyang hiya, nayurakan na ego at napilipit na utak ay may black and white ball pa kami. YEY!!

Kung tatanungin kung anong nangyari..eh ayun, ayos lang. Polsci nga raw talaga kami dahil unang una, sa location pa lang ng socia, pang-politiko na. Sabi daw kasi nila, laging pinagdadausan ng mga political events ang club filipino. Sa katunayan nga, historical place sya dahil dun nanumpa si cory aquino bilang presidente right after the end of martial law. O’ha. Sa wakas! may nailagay din ako sa blog ko na maayos ayos.. Hehehehe.

Saka, syempre, dami VIP’s na pumunta. At taragis yan, lahat sila ng speech. Di ordinaryong speech. Kundi SPEEEEECEEEEEEEEEEEEEEEEECH. ginutom kami ng mga very important people na yan. Sa bawat speech ng VIP, kung ano anong ginagawa namen. Nandyan yung picture-picture, kuwentuhan, kulitan, sakalan, jombagan, murahan, at maya-maya, humuhikab na kami. May nag-lecture pa ngang retired prof. eh! pwede kaming matulog muna tapos gumising na lang after nyang mag dadakdak dun.

Pero masaya naman sya. Matinde nung dinner na. Lamon na lamon na kami!! yung mga kasama ko sa table di pinaligtas pati yung huling patak ng soup, butil ng appetizer, sauce ng main course, fudge ng desert at yung liquid molecules ng beverage. Syimpre, ilang oras ba naman kaming naghintay na matapos yung mga walangyiang speeches na yan eh. Wala naman kaming naintindihan kundi ang pauli-ulit na words tulad ng “Political Science students.” at “University, Of, Santo, Tomas”. Slow mow pa magsalita yung mga kung sino man ang nagsalita sa mic. Shetness.

Nung huli, the real party begins. Sayawan na at eksenahan na sa dance floor.

..tapos uwian na!!

Yun lang. ‘pus na.

Leave a comment »

ant terminator.

Nakakainis ang mga langgam.

Ops, walang metaphor-metaphor dyan. Yung langgam na insekto talaga. Yung maliit, masakit mangagat at nakakaines, nakakabadtrip, buiset, peste.. Basta langgam. In any shapes, sizes at color.

Bakit ko naman nasabi?

Eh putragis yan.  Sa sala namin, may langgam. Sa kwarto, may langgam. Sa kabinet, may langgam. Sa kusina, lalong may langgam. At sa dining room, aba’y super duper ang kunpederasyon ng langgam. Parang bang may baseball game ang mga langgam na yan at ang bahay namin ang pinagtripang gawing arena. Pakshetnesses..

Well, sabi daw nila, pag summer daw dumadagsa ang langgam dahil time daw yun ng pag-iimpok nila ng pagkain. O’ha, san ko nakuha ang impormasyong yan?? ayun, sa langgam na tinorture ko..aba’y bago umamin kung bakit nila pinuputakte este nilalanggam ang bahay namin eh kinailangan ko munang isa-isahing tanggalin ang mga paa niya. Wahahaha. Sadista ata to. Esmyuskee naman sa mga animal advocates dyan. Langgam lang ‘to. Wag kayong OA. Saka, Joke lang naman yun. Natawa ba kayo? hahaha.

Nung una, ayos ayos pa sakin na nakiki-sama samin yang mga langgam na yan. Kaso, nung simulan na nilang tirahin ang bawat pagkain na ilalapag namin sa hapag-kainan, tiradurin ang mga nakalagay na platong may bahid pa ng food sa dishwashing area, butasin ang panty ko, at gumala-gala sa bahay na parang sa kanila yun, eh wala na, pikunan na. Kung baga sa joke time, below the belt na. Kelangan ng tapusin ang maliligayang araw. Hohoho.

Kung dati rati’y pwede pa kami mag-iwan ng food na may takip sa table, ngayon eh di na. Eh walang’ya. Kahit siguro asin eh titirahin ng mga kumag na langgam na yan eh. Tapos sa kwarto naman, aba’y feel na feel nilang mag-form ng mini-map of the world sa mga pader. Parang may geography lesson. Ha! ang kakapal! anong kala nila saken? di alam kung san ang Timbuktu? sa may bandang ano kaya yun..sa ano..err. basta. Offtopic na yun. wag na lang. Eto pa, minsan magugulat na lang kami kasi kahit sa mga appliances namin eh trip nilang tumambay. Ang kakapal talaga ng mga mukha! Grrrrr!!

Kaya ang sagot: Maglabas ng insecticide! wahahaha. Kung san may langgam, spray. Spray anywhere you want ang drama. At saka, aliw din. kitang kita mo na nagpapanic ang mga langgam. Sa kanila, gumuguho na ang mundo. trip ko ring baliin yung linya nila na parang guide nila pabalik sa lungga nila. Saka, pag sa cr, masaya silang paliguan. Para presko. Tapos unti-unti na silang aagusin papunta sa butas na nagaabsorb ng nagamit ng tubig. Saya saya!

Ayun. Sabi nila, kelangan daw nating gayahin ang mga langgam. Kasi mga hardworkers daw sila. Leche. Ako gagayahin ang mga langgam? asa naman. Marami namang ibang masisipag na hayup dyan tulad ng..err..anay? Basta ayun. Nabubwiset talaga ako sa mga langgam na yan. Pero sa ngayon naman. Eh nag li-lo sila. Pahinga muna siguro sa pangiines samen o kaya siguro sumakabilang bahay na sila. Ayos na din yun. Nasindak na sa aming mga kagamitang pandigma laban sa kanila. Hahaha.

Sa mga langgam, kung naiisipan niyong bumalik sa aming bahay o bumisita man lang. SUBUKAN NYO LANG! :|

haaaysss..

FIN.

Comments (2) »

mah baybehhh..

may bago akong beybeh.

Oo. totoo nga. At inlove na inlove ako sa kanya. nakalimutan ko ang bitterness at loneliness sa buhay ng dumating sya. Napapasaya nya ko at talaga namang nageenjoy ako sa piling nya. Di katulad nung dati kong beybe na walang kwenta, puro paasa at sakit sa damdamin lang ang idinulot sakin. Sa bago kong mahal, wala akong alinlangan.

Mga kapatid, ipinakikilala ko.

Si NEC Versapro. My newest beybehhh!! Ops. di sya foreigner. Pero bigaten sya. wala lang akong aktwal na pichtur nya pero ganito sya kagwapo…

3278128149_e011e4ebb6_m

Mas okay to kesa dun sa dati kong labilaptops..IBM yung isa eh..nabulok na sya unfortunately. :(

Pero! ayos talaga tong si NEC! I lewv it! sana tumagal ang aming pagsasama..hehehe

Leave a comment »

PLAY

Alam nyo yung BITTER?

..oo? hinde?

Alam mo nga?? ..yung bitter,

ako yun eh.

Oo. Bitter nga ako. Bakit naman?

..dahil sinabihan ako ng isang tao na MABAIT daw ako.

Para sakin, ang magkunwaring gusto mo ang isang tao ang pinakapang-LOSER na gawain. Bakit? Dahil kaplastikan yun. Hmkay, dahil exam na namin sa Logic bukas, let’s do the syllogism. Shet. Dugo ilong?

Any pretentious actions are “ka-plastikan” and are for LOSERS.

Acting that you like someone is a pretentious action.

Ergo, Acting that you like someone is “ka-plastikan and is for LOSERS.

Okay ba ang syllogism ko? Eh ang truth value? eh ang schema kaya? May violated logic principle ba? hmm..wala naman. So, pwede nating ituloy ang usapan. Wala lang yan, para naman masabing di lang pag ba-blog ang ginawa ko diba? Nagrereview din ako, Ashol.

Ayun, Let’s begin. Pag sinabihan ka ba ng MABAIT ng isang tao, matutuwa ka? Malamang oo ang sagot. Eh kung sabihin kong yung indibidwal na nagsabing mabait ka eh ang x ng x mo? Sabi ko na nga ba, kelangan talagang naka-take up ka ng course in Logic para maintindihan ang premises ko eh. Echos. Hahahahaha. Sinsya mga dong at day, I’m just trying to lighten up the atmospir. Pero di ko ata keri kaya go na.

Ewan ko talaga kung bakit nabalik na naman ako sa usapang yan. Kinakalimutan ko na nga yan eh pero bakit sa putragis na pagkakataon eh may isang sugo ng kadiliman akong makakasalubong sa daan at tatanungin, kukwetuhan at kukulitin ako sa ganyang bagay? Let’s face it. Bitter talaga ako, at feeling ko di na to mawawala. Ano bang magagawa nyo? Ganito ako. Nasaktan ako eh. Pake nyo ba?

Sagap ng hangin. Cool lang. Inhale. Exhale.

tangenaaa. Ang di ko maintindihan eh bakit bubulabugin ka ng mga X na yan. X ng X ng X or whatever X. Ukininanamzz.. Masaya na nga eh. Pero nakakapraning dahil yung mga turnilyong dinobol-check ko pa sa paghihigpit ng pagkakakabit sa ulo ko eh biglang magsisi-luluwag dahil sa walangyang pagkakataon na may isang taong biglang magbabanggit sa nakaraan.

Ang siste, gusto ni x ni x na ma-meet ako dahil mukha daw akong mabait. Patawa. Hahaha..tang’nadoodledoo. Gusto ata iconfirm yung issueng kumakalat na ako yung talo sa laban.

Well, first and foremost, Wala naman kaming issue ng ex ng ex na ‘to. Yun ang alam ko. Pero siya pala, meron. Sa akin. Gets nyo? Hinde ako pikon or whatsoever. Okay. Sige na. Pikon na ‘ko. Dahil unang-una. Mas maganda ako. Oo. Pakapalan na. Pangalawa, mas matalino. Pangatlo, mas ma-cute. Pangapat…panglima..pangng walumpu’t syam… Ganun ang higit ko. Ang putangenang di ko matanto eh bakit ako pa ang lumalabas na “sinulutan”?

Para niyo ng awa. Tigilan nyo na ako. Dahil di na kayo nakakatawa. Eto ha, kung may naimbento lang na makinaryang pwedeng magbura ng memory eh ginamit ko na. Magugulat na lang kayo at di ko na kayo kilala. Lalo na yung “common denominator” na syang dahilan ng kaguluhang ‘to. Kahit mas mahal pa yun sa buhay ko yung memory eraser, siguro binili ko na. Ayoko ng madamay sa mga ganyang walang kwentang bagay. Kung trip nyong mangtrip, wag ako. Iba na lang. Maraming tao sa mundo. 6 billion na tayo sa Earth mga dude. pili na lang kayo dun. Basta out na ko.

Well, para matapos na ang lahat. Sa kanya, oo na, maganda ka na. Ikaw na ang panalo. At sa isa pa, oo na den. Ikaw na ang gwapo. Ikaw na ang hearthrob. Both of you may enter the gates of Hell.

*Curtain falls*

Leave a comment »

LAB ISTORI

Na-adik ako sa kantang yan. EWAN KO BA!!! Di ako nakapag-review dahil sa kantang yan!! Nakanang paking shet! waaahh..

Excerpt:

Romeo take me somewhere we can be alone, I’ll be waiting, all there’s left to do is run. You’ll be the prince and i’ll be the princess, It’s a love story, baby just say yes.

Na-adik na, na LSS pa. Ugh.

Leave a comment »

palpakations

May oras at panahon talaga na biglang natotorete ang utak ng isang tao. Totoo yan at ayon yan sa mga scientist. Wala nga lang akong supporting pieces of evidence galing sa google dahil tinatamad ako. Hmm.. yung sinasabi ko namang ”sudden absurdity” eh yung biglaan lang. Sudden nga eh! nuba!! Anggulo ko. Pakshets. Anyway, eto yung parang bigla ka na lang tatayo at ilalagay ang sapatos mo sa ulo mo at yung headband sa paa mo. Pero mamaya, marerealize mo na para ka ng tanga. Ay hinde, tanga ka na talaga plus baliw pa. Ayun, yung parang lasing lang pero di ka nakainom. Gets na?

So, there you have it! Tapos na.

 

 

…Charing. Ayun, lately kasi eh marami akong nasaksihan na ganyang tao and also, I’d experienced it myself. Nakakapraning talaga pag babalikan mo yung pangyayari. Wow Mali kasi. Tulad na lang nung classmate ko, papasok na kami sa AB building sa uste, nung kukunin na nya yung I.D nya para i-swipe sa computer eh walang kaabog abog na kinuha ng loko yung LRT card nya at pinagpipilitan nyang iswipe yun. Mga 10 seconds syang gumaganun hanggang sa marealize nya nal wala naman kami sa LRT station. Hahaha. Praningers.

Eto pa, contrary sa LRT card incidence na yan, eh sa LRT station naman kami, yung isa ko namang classmate eh parang  engot lang na biglang nilabas yung susi ng condo nya at dinudutdot nya yun sa pasukan ng LRT card. Yung isang pangyayari naman eh habang naglalakad kami sa field, biglang kumadyot kadyot yung classmate ko. Mga 20 seconds nyang ginagawa yun at take note panot, nakatulala pa sa lupa ang mokong. Hahahaha. Nakakahiya ang putragis.

Wahahah. Grabe naman akong maka-api eh no? Parang di ako nagaganun. But actually, marami nga akong kapraningang tulad nun eh.  Nung isang araw lang, pumunta akong toilet sa loob ng mall. Pagdating ko dun, yung janitress eh nakatambay sa may pintuan. Ayun, bonggang bonggang binuksan ko yung bag ko at pinapacheck ko sa kanya. Nakatanghod lang si ate nung una, pero nung napansin nyang parang asar na yung mukha ko dahil di nya nilalabas yung “magic wand” nya para kalikutin yung bag ko eh nagtanong na sya.. “Miss, anong gagawin ko dyan??” At poof. Natawa ako ng uber lakas. Wahahaha. sabay napa “Shet ambobo!!” ako. Natawa na ren si ate. Muka kase akong timang. Para ngang gustong sabihin ni ate na “hoy, bitoy’s funniest videos yan no?? nasan yung camera nyo? dali!! mag ha-hi ako!!” kasi tumingin sya sa paligid agad agad. Oo, parang Bitoy’s nga, Just for Kikays, the praning edition. Nyeeh!

Naalala ko rin nung nasa high school pa ‘ko. Lagi kasi akong late pumasok eh. Oo, outstanding student ako nun. Echos. So, pag late ka kasi eh kelangan mo na ng parang gate pass para maka-pasok ka. Yun yung parang papel na nageexplain kung kelan at dapat ilagay dun kung bakit ka late. So, ayun na nga..to make the story short, nakakuha na ko ng pass at ugali ko kasing ilagay yun sa bulsa ko. Nung recess na, edi automatic na canteen ang tuloy ng grupo namen. Nung turn ko na para bumili, binigay ko kay ate tindera yung gate pass.  Nagtaka agad si ate dahil dapat pera ang inaabot ko sa kanya diba? Ako naman, HAla, Sige ang sabi ko sa gusto kong food at paulit ulit. To the highest level ang kunot ng noo ni ate, binuklat nya yung papel at binasa nya. Biglang bumalik sa katinuan ang utak ko at bigla kong hinablot kay ate yung papel sabay palit ng pera. Nakatingin karamihan ng estudyante sa nangyari. Sabi pa ni ate, “kaw talaga ha, parang gift check lang ha..” Hmmkay. Tawa naman ako.

Sa case ko, feeling ko..feeling ko lang ha, eh parang napapraning na talaga ako. Pero feeling lang talaga yun. Hahaha.

yun lang. Tinatamad na ko. Dapat nagrereview na ko dahil finals na namen. Sige..bye!

Leave a comment »

ako, ang inumin at ang cellphone

Oo. umiinom ako.

Pero pag may okasyon lang. Hehehe. Tinaga sa bato ng nanay ko na dapat pag may okasyon lang dapat. Onga naman, saka karamihan naman ng instances na napainom ako eh sila (mga relatives) ang kainuman ko.

Nung 4th year ako nakainom ng medyo marami, talaga. Pramis. Hahaha. Natatawa ako habang tinatayp ko ‘to. Ewan ko ba. Anyways, ayun nga. Nung 4th year. Simula nun, di na ko maarts pag may inuman sa bahay. Pero kung tatanung nyo kung ano lasa nga alak, ayun, mapait pa rin sya as ever, at di sya masayang inumin. Ewan koba kung bakit iniinom pa rin. Gulo.

So, ayan, let’s go to the main topic. oo, di pa yun ang main topic. DAHIL MAS MATINDE ‘to! hohoho. Well, sa di pa naman masyadong matagal na experience ko na makainom, eh tatlong beses na kong nalasing. At sa harap pa ng lahat ng kamag-anak ko. Yung una, sa Imus Cavite pa, blessing ng bahay ng tito ko. Nung time na yun eh may nakaaway kasi ako sa text. Hahaha. oo, alam kong ang loser nun, pero ganun talaga.. Nakalimutan ko na yung taong nakaway ko. Di ko na sya kilala ngayon. Echos.  Pangalawa, eh yung birthday ng kapatid ko. Kung ano-ano na ang kinakanta ko sa bidyoke nun. At nangaagaw na raw ako ng mic. At inasar asar ko yung pinsan, tito, lola at nanay ko nun. Niyurak-yurakan ko ang pagkatao nila nung gabing yun. I rule. Shet. Hahaha. At yung huli, eh yung nakaraan lang, right after magpunta kami ng MOA..

Ayun, grabe. Alam mo yung feeling na alam mo yung ginagawa mo, pero di mo ma-control? Ayun, ganun ang feeling ng lasing. Pero, eto, ansarap ng feeling. Yung parang wala kang worry sa buhay. Walang epal na project sa comskills, walang problema sa prof, walang problema sa lablayp. Pero  Syempre, sa moment na yun lang. Hmm..Naiintindihan ko na kung bakit kalimitang umiinom ang mga taong may problema, Kasi, ganun pala.

NGUNIT, subalit, pero, datapwa’t.. pag nalalasing ako, isa lang ang dapat wala ako, DAPAT garantisadong wala akong LOAD. Load sa tsephone(cellphone) ah.. O kaya, dapat walang umaali-aligid na cellphone na may load sa paligid ko.

Bakit?

Kasi, tinotopak ako ng pagiging taklesa at warprik ko. Oo. Ganun nga. Nung nga nasa Cavite, diba may nakaaway ako? ayun, nung nalasing ako, kung ano-anong sinend ko sa kanya. At ‘em sure na di sya nakatulog sa sobrang titinde ng pinagsasabi ko. At saka, pag nalasing ako, mahilig akong magsend ng “Goodnight sweetie, Love you!” sa kahit sino. Kalimitan eh sa mga friends kong guy. Hahaha. Nakakapraning.

Nung nakaraan, may sinendan akong ganyang message. Itago na lang naten sya sa pangalang “frogprince”. Hahaha. Natatawa ako. Shete.

Ayun, sa sobrang tinotopak na ‘ko. tinext ko nga si frogprince. Actually, 3 silang sinendan ko ng ganun..sya lang ang nagreply agad.

(after the “I love You” message)

Frogprince: weh..d nga?

Rojie: o’nga. taragis. ayaw mo maniwala? Hehehehehhehee..

Frogprince: bkt nman luv mo’ko? :)

Rojie: kasi, ampanget mo. Hahaha. Joke. walalang.

Frogprince: adik 2.

Rojie: pero di nga, love you nga..ingats ka palage..mwah mwah. :*

Frogprince: o cge na nga, luv u 2.

Rojie: ulul. pakamatay ka na. Wahahaha.

 The End. Hahaha. Tapos, di ko na nagawang magreply, turn ko na ata sa tagya yun eh., Basta, di ko na syadong maalala. Ayun, kinabukasan, pag tingin ko sa tsepon ko, taragiisss! 35 messages? nakanang.. karamihan kay frogprince at meron ding reply yung 2 pang sinendan ko. HAhaha. Tinde. Ayun, di naman nagalit si frogprince. Dahil sanay na daw sya sakin. Boohoo. At yung dalawa pa na itago natin sa pangalang “harhar” at “litroboy”. Si harhar ang reply nya eh..1st: “adik ka, rojie.” at yung pangalawa: “so, tayo na?” hahaha. At yung kay Litroboy eh “okay”

..Ansaklap ko diba? O teka, bago ako mabad shot senyu, eh pinramis ko na di na ko iinom. Ops..di na ko iinom ng sobra. HAhaha. Sa mga taong naperwisyo ko, sa text man o sa personal. Eh taos-puso po akong humihingi ng pasensya at pang-unawa. “Sorry na huh?”.. ”Next time..alam nyo na pag iba ang dating ng text ko. ahhahaha.

HAaayyss..inaantok na ko. At last na ‘to: nakainom ako ngayon. Hehehe.

Ciao ’yo freaks!

 

P.s : pinalitan ko yung title. May kaparehas kasi eh..hehehe

Comments (2) »

pambura

Kahit nasa state of Hiatus ako, eh kelangan kong i-blog ‘to!!! Kayo na bahala mag-isip kung anong event ‘to. Dahil nagmamadali ako, maraming demonyong humahabol saken at lahat sila pogi. at JOKE yun. Pinutakte na naman kami ng projects at term papers. Boohoo..

  1. Sino kasama ko? si Haroldee, si Jo, si Queenie, si Jey-Ar at si NekNek.  Sa MOA Concert Grounds yun..Anlayo.
  2. Ang daming tao. Iba’t ibang klase. May cute, may Emo, may mabaho, may mukhang gate crasher at hindi kami yun. Hohoho.
  3. Nasa Silver part kami. 1,300 din yun. Half ng bayad saken. Hehehe. Buti na lang andyan si Roldee at Jo. Thanks.
  4. San ko nakuha yung pambayad ko? TAE. Alam kong alam nyo na wala akong pera at poor lang ako, pamumulubi lang ang ikunabubuhay ko. Hahaha. Eto na, sabi ko sa nanay ko may project..hehehe. Alam nyo na yun.
  5. I know it’s bad.
  6. Di kami masyadong excited. Maaga aga kaming dumating.
  7. Nung nag-countdown na. Shet. Kinailangan ng mga Mental Assistants dahil lahat eh napraning.
  8. Ang cute ni Ely. At bongga ang wardrobe ng lolo nyo. Maya’t-maya ay change attire sya. Lupet.
  9. Ang cute ng gitara ni Marcus Adoro, Hello Kitty ang design. Hahaha. Kung itatanong nyo kung cute si Kuya Marcus, uhmm..err..cute….yung gitara nya. Hahaha. Joke lang.
  10. Kahit silver na kami, malayo-layo pa rin. Pakshets, kaya tuloy nung naghagis ng jacket si papa Ely eh hindi kami naabutan. Wahahaha. Kung kasing lakas niya si Samson, Ayun, aabot yung jacket nya samen.
  11. Gurang na raw si Ely, ASA PA DAW AKO!!. Pakshet.
  12. At oo nga, medyo..err..medyo..malayo layo na ang edad ya saken, dahil nung bata pa ko, naririnig ko na ang kanta ng banda nya. At kabisado ko pa. Oha.
  13. Ang kulit ng boses ni Raymund Marasigan. As always.
  14. Parang nakawala sa Mental Asylum si Queenie ng Huling El Bimbo na. Dahil dun, inassume namen na di namen sya kasama for that moment. Lahat ng tao sa harapan namin eh napapalingon sa kanya.
  15. Masaya.
  16. Yun ang bottomline. at shortest line.
  17. Pero naging malungkot ng bingyang pugay ng banda ang master rapper. How sad :(
  18. Wala masyadong chance mag pic. Nabanatan namin sa Roldee dahil di nakacharge ang gigicam nya. Ayun, ilang pics lang ang meron. Sayang shet.
  19. Medyo napahaba na ang kwento ko, di ko talaga balak ielaborate nyan??.
  20. May isang adik na sumigaw ng “Wala bang magazeyn dyan?” . Adik sya. Magazeyn.
  21. Cute talaga si Ely eh. Yun yun eh. Lakas ng Appeal.
  22. Yung high school friend ko na si victor eh nandun den. Tinext ko sya, pero, wa reps. Carried away den ang loko.
  23. Pinutakte na ko ng phone calls galing sa nanay, lola at tito ko. Nung medyo late na. Hahaha. Ayun, Dedma.
  24. Ang sakit ng lalamunan ko. Sobra.
  25. At mukha pa rin akong nireyp. Lage na lang!
  26. Naalala ko mga Highschool friends ko. Out of the blue.
  27. Naalala ko ang mga di dapat maalala.
  28. Nagiging madrama na.
  29. Nakakalungkot na nung bandang huli, dahil the FINAL SET na nga yun. Huhuhu. “Awwwww” lahat kame….
  30. At yun na ang version ko.
  31. I’ll be back to my effin’ paper works.
  32. See you after finals. :)

eh-roldee1eh-roldee2

:) :):):):):):):):):):):):)

Leave a comment »

pe y buck

Di ba, kahit saang school, nagkakaroon ng evaluation? Nung High school kame, evaluation of students lang ang meron. Muntanga. Walang evaluation ang mga teachers. Kaya walang chance na makaganti kami. dapakers.

Ayun, kaya nung Highschool ako, magugulat na lang ako pag final clearance na sa guidance office. Bakit? Eh kasi mawiwindang na lang ako sa evaluation sakin. Harharhar. Tulad nung second year ako, kukunin ko na yung permit ko, eepal pa si Ms. Guidance Councilor at sinabing “oh, Miss N***, ayon sa evaluation mo, saksakan ka raw ng daldal sa klase. At lagi ka pang late. Nako, see you next year sa secan section. wahehehe..”

Okay. medyo eksaj ang statement na yun. Charing lang. Pero parang ganun na din.

Ah oo, naalala ko na. Shet!! hahaha. Nung elementary naman kami, ayun, may isang beses na nag evaluate kami ng mga subject teachers namen. Yung principal pa nga ang nagconduct eh. Okay sa olrayt ang feeling pare.

Ang natatandaan kong question nun eh.. “Sinong walangyiang teacher ang nagpapakita ng favoritism??
ayun, it’s packing payback taym!! wohohoho!..

Inulit ng principal yung tanong, “So, meron ba kayong teacher na ganun? yung may peborits?” Walang kaabog-abog na napa “YEEEESSSS….” ako. At take note panot, AKO LANG ANG NAG YES. Hahahaha. Halatang Bitter ako diba? Eh meron naman talaga eh..si Mam ano..walangyia yun.. laging si ano yung pinapansin..cute naman ako..huhuhu..

Nagtinginan yung mga kaklase ko saken. wnish ko nga na sana na lamunin ako ng lupa. Syempre, ako lang yung umoo diba?? Napangiti si Mrs. Principal. Lumapit sya sakin at tinignan yung paper. Inaabangan nya kung kaninong pangalan ng teacher ang isusulat ko. Ayun, tinignan ko sya sabay tode cover sa papel.

Ayun.

Ngayon, Sa wakas! nagkaroon kami ng evaluation! yabadabadoo! Hehehe. Ang dami pa namang professors ang may atraso saken. Di ko pinaligtas yung mga epal na biglang magpapa-bring out ng 1 whole shit este sheet of paper at quiz na, yung mga garapal magturo at grabe magpa-project. Yung mga sadista, nakooow, yari lalo!

At naalala ko na naman, KAYA PALA… kaya pala.. ang babait na ng mga profs. namen lately! Mga nakukuha ng mag-joke, at pumapayag na i-joke sila! Kala nila huh. Waepekers yang mga ganyan samen..

dahil nung evaluation.. Good LANG ang highest degree samen.

O yeah..

yun lang. walang point. sinsya dong.

Leave a comment »